Sunday, August 10, 2008

Alam mo ba na... (Sunday Trivia)



Sa Amerika, pag wala na sa warranty ang inyong telepono at ito ay nasira, maari itong iparepair sa flat repair cost na $199.00. Kung gusto mo ng pahiram na telepono habang wala ang iyo ay dagdag ka pa ng $29. Hindi naman talaga nila iyon irerepair, papalitan lang naman nila yun ng kaparehas na modelo, yun nga lang ay refurbished na. At tsaka nila irerecondition yung orihinal mong celfon. Wala naman problema sa mga refurb na telepono, hindi naman yun lumang luma na dahil mukha naman bago ang casing, mga ni-recon lang naman yung laman loob.

Kung bibilhin mo naman sa Apple Store at AT&T store ng walang kontrata ang iPhone 3G, gagastos ka lang naman ng $399.99 sa 8GB na modelo at $499.99 naman sa 16GB. Nakalimutan kong banggitin na hindi pa kasama dun yung tax.

No comments: