Friday, August 8, 2008

Hay, ang mahal pala ng iPhone 3G pag Prepaid!


Hay, antagal kong hinintay na ilabas ang iPhone dito sa Pilipinas. Sa wakas sa August 22 na daw ang release date ng iPhone d2 sa 'Pinas. Meron namang mga iPhone sa Greenhills at mangilan-ngilan mall pero pag tinanong mo kung may warranty e ang sasabihin sa'yo ay isang nakakatacute na "wala po sir"... Nakakatakot naman kasi bumili ng gadget kung wala itong warranty. Pa'no na lang kung isang linggo mo palang ginagamit ay masira na 'to, kawawa ka naman bilang isang consumer.

Noong August 6, 2008, sinabi na ng Globe ang pricing nila para sa mga iPhone 3G. Nagulat talaga ako sa presyo dahil sobrang mahal talaga para sa isang katulad ko na ang tanging kasalanan ay ang mangarap. Isang tumatagingting na Php 41,899 para sa 8GB model at isang kumikinang na Php 48,899 para naman sa 16GB or dobleng kapasidad. Para tuloy gusto ko na lang bumili ng iPod touch dahil ang pinakagusto ko lang naman na feature ay yung iPod , Internet, at yung kakayahan nya na mag install ng Apps galing sa iTunes App Store. Makaka-discount ka naman kung pipili ka nang monthly plan sa Globe pero ang pinakamababa nilang plan ay yung Php 1,599.00, libre na yung iPhone kung Php4,999 ang plan na pipiliin mo. Kaya lang, naisip ko na madalang naman ako gumastos sa cellphone load dahil ginagamit ko lang ang phone ko sa mga importanteng text kaya hindi parin option sa'kin yung post-paid plans nila. Sana naman ay bumaba na ang presyo ng iPhone 3G para hindi lang ang kagaya ni Kris Aquino ang makakabili nito.

Sa totoo lang, wala akong iPhone, wala din akong mac pero marunong akong magtroubleshoot ng iPhone 3G at iMac, trabaho ko kasi yun. Sinusubukan ko lang magblog dito para lang sa experience ng pag-blog at para na rin i-share ang aking kaalaman. Pangarap ko kasi na maging isang manunulat tungkol sa mga gadget para sa isang tech magazine. Mala'y mo, isang bossing pala ng bigating techmag ang kumontak sa'kin para sa isang column sa monthly mag nila, edi may sideline nako bilang isang tech-writer. Sa mga susunod na araw ay mas marami pa kayong mababasa dito sa aking blog tungkol sa iPhone 3G. Maari ko itong isulat sa Ingles o Tagalog o di kaya'y Taglish.

1 comment:

teody said...

mahal talaga ang iphone pero sulit naman. kun ako sayo may kilala kaba na nasa dubai? doon ka nlang mgpabili at ipadala mo dito sa atin. pwede nman settings nun.
Iphone Sale