Sunday, August 10, 2008

May iPhone 3G na sa 'Pinas


Isang iPhone 3G ang aking namataan sa aking paglalakad lakad sa kahabaan ng Megamall. Dun yun sa Cyberzone.Tiningnan ko, hmmm! nasa puting kahon. Malayo pa lang ay mukhang 16GB na ito dahil white lang ang available sa puting kahon. Sa likod ng kahon ay may itim pang kahon, mukhang 8GB. Magkano kaya ang benta nila dito? Di ko na tinanong yung nagbabantay dahil wala sa itsura ko ang bibili ng iPhone. Di ko narin tinanong kung may warranty dahil sa loob loob ko ay di pa naman opisyal ang pagdating ng iPhone dito. Sino kayang atat ang bibili nito? Basta, goodluck nalang sa makakabili.

No comments: